Usec. Claire Castro, mananatili sa PCO sa kabila ng pagpapalit ng liderato ng ahensya

Mananatili pa rin si Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa Presidential Communications Office (PCO) kahit nagpalit na ng liderato ang ahensya.

Ayon kay Castro, bagama’t sabay silang nanumpa noon ni Secretary Jay Ruiz kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay direkta siyang itinalaga ng pangulo sa pwesto.

Ibig sabihin aniya, si Pangulong Marcos ang kaniyang boss at direkta siyang nagre-report dito at hindi kay Ruiz.

Bahagi aniya siya ng PCO pero hiwalay ang kanyang tanggapan bilang Palace Press Officer at sa katunayan ay hindi siya kasama sa mga pulong at decision-making ng dating pamunuan ng PCO.

Matatandaang itinalaga ng Pangulo si Castro bilang Palace Press Officer para lamang humarap at sumagot sa katanungan ng media patungkol sa mga isyu, polisiya, programa, at accomplishments ng administrasyon sa ngalan ng pangulo.

Facebook Comments