Usec. Claire Castro, may New Year’s gift na “Chucky” doll para sa sarili

May espesyal na regalo para sa kanyang sarili si Palace Press Officer Atty. Claire Castro ngayong Bagong Taon.

Sa kanyang vlog, ikinuwento ni Castro na napadaan siya kasama ang kanyang mga anak sa isang tindahan ng mga manika at laruan, kung saan bumili siya ng set ng “Chucky” dolls na nasa blind boxes.

Habang ipinapakita ang mga manika, sinabi ni Castro na mas maayos at mas “cute” ang itsura ng karakter kapag hindi galit at hindi nakasimangot.

Dagdag pa niya, may aral umano rito ang simpleng paalala na laging ngumiti.

Matatandaang kamakailan ay ikinumpara ni Castro si Vice President Sara Duterte sa karakter na si Chucky, na ayon sa kanya ay nagiging kamukha umano ng Bise Presidente kapag galit.

Facebook Comments