
Pinayuhan ni Palace Press Officer Claire Castro si Batangas Rep. Leandro Leviste na magpa-blotter sa pulisya kung totoo ang umano’y mga banta sa kanyang buhay.
Kasunod ito ng pahayag ng kongresista na nakatatanggap siya ng death threats kaugnay ng Cabral files at sa mga impormasyong inilalabas niya tungkol sa mga flood control projects.
Ayon kay Castro, dapat magsumite si Leviste ng ebidensiya tulad ng mga text message at idulog ito sa mga awtoridad upang masuri at maaksyunan ang reklamo.
Nasa kongresista na aniya ang desisyon kung anong hakbang ang kanyang gagawin para sa sariling seguridad.
Matatandaang naging emosyonal si Leviste nang ihayag ang umano’y mga banta matapos siyang magsalita tungkol sa kontrobersiyal na flood control projects.
Facebook Comments










