Usec. Eliseo Rio, nagbitiw sa pwesto

Nagbitiw sa pwesto si Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio.

Sinabi ni Rio – na may kinalaman ito sa pagkwestyon niya sa 300 million pesos na confidential funds ng ahensya.

Aniya, hindi naman ito magagamit ng ahensya lalo na at wala sa mandato nito ang surveillance at intelligence activities.


Binanggit din ni Rio na may iba pang problema sa loob ng ahensya na hindi niya idinetalye – pero nagdulot ito ng aberya sa pagpapatupad ng ilang proyekto.

Plano ni Rio na makipagpulong sa Pangulo para personal na idetalye ang kanyang mga nadiskubre sa ahensya.

Facebook Comments