Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Hans Leo Cacdac bilang officer in charge ng Department of Migrant Workers o DMW.
Ito ay habang pinag-aaralan pa ng pangulo kung sino ang iuupong bagong DMW secretary matapos ang pagpanaw ni DMW Secretary Susan Toots Ople.
Bago naitalagang OIC, si Cacdac ay undersecretary ng DMW.
Samantala, nag-appoint rin ang pangulo nang bagong chairperson sa National Commission on Indigenous Peoples sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa katauhan ni Jennifer Pia Las.
May bagong opisyal din itinalaga ang pangulo sa Department of Transportation ito ay si Jose Lim IV na in-appoint bilang assistant secretary.
Facebook Comments