“USER STARLET” | Janine Gutierrez, umani ng batikos

222

Manila, Philippines – Binatikos ngayon ng mga Aldub fans si Janine Gutierrez matapos makumpirmang isa siya sa makakatambal ni Alden Richards sa susunod na proyekto nito sa TV.

Nabatid na sinisisi si Janine sa pagkasira ng tambalang Alden at Maine Mendoza.

Inakusuhan din siya ng ilang netizens na “User Starlet” dahil sa pang-aagaw niya kay Alden bilang ka-love team ni Maine kung saan pati personal na buhay nito ay inungkat na rin ng mga pinaniniwalaang Aldub fans.

Hindi naman pinalampas ni Janine ang paninira sa kanya ng ilang netizens saka sinabing hindi niya desisyon na makapareha si Alden dahil sumusunod lamang siya kung anong trabaho ang ibigay sa kaniya ng TV network.

Facebook Comments