Mas lumakas pa ang pag-kulo ng tubig sa bunganga ng Bulkang Taal kahapon ng umaga hanggang ngayong umaga kumpara noong nakalipas na mga araw.
Ayon kay PHIVOLCS Director Undersecretarty Renato Solidum, na-monitor nila ang mas makapal na usok ngayon mula sa main crater.
Halos triple rin aniya ang inilabas na sulfur dioxide ng Taal sa nakalipas na 24 oras na 4,353 tones per day kumpara noong Sabado hanggang Linggo na 1442 tonnes/day.
Dagdag pa rito ayon kay Mariton Bornas ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ang pamamaga ng Volcano island at paglubog sa hilagang-silangang bahagi ng isla.
Nangangahulugan ito ayon kay Solidum na may magma pa rin sa ilalim ng Taal at senyales na maaari pa rin itong pumutok anumang oras o araw.
Facebook Comments