UST, binatikos ni Sen. Escudero dahil sa kawalan ng pakialam sa kaso ng pagpatay kay Atio

Manila, Philippines – Matindi ang pagkadismaya ni Senator Francis Chiz Escudero sa University of Sto. Tomas o UST na para aniyang wala paki-alam sa pagkamatay ng isa nitong freshman law student na si Horacio Tomas Atio Castillo III.

Isa pa naman aniyang religous univesty ang UST na dapat ay nangunguna sa pagbibigay ng tama at magandang ehemplo sa mga estudyante nila.

Puna ni Escudero, maliban sa mga opisyal ng UST Faculty of Civil Law ay wala man lang mga opisyal ng UST mismo ang tumatayo at nagsasalita ukol sa nangyari.


Hanggang ngayon ay wala ding nakikita si Escudero na kongkretong hakbang na ginagawa ng UST para tumulong na mabigyan ng hustisya si Atio.

Facebook Comments