UST Civil Law Dean Nilo Divina, pinag-aaralan nang magbitiw sa Aegis Juris Fraternity

Manila, Philippines – Inihayag ni Atty. Estrella Elamparo abogado ni UST Civil Law Dean Nilo Divina na ikinukonsidera na ng kanyang kliyente na magbitiw sa Aegis Juris Fraternity kasunod ng alegasyon sa pagkamatay kay Horacio Castillo III.

Ayon kay Atty. Elamparo nabagabag umano si Divina sa palitan ng mga chat ng kanyang mga ka-brod sa planong icover up ang pagkamatay ni Atio pero hindi pa umano nakumpirma ang naturang usapan.

Dismayado umano si Divina sa pagbaba ng grado at kalidad ng pagrerecruit ng Fraternity.


Matatandaan na inihayag noon ni Divina na hindi na siya aktibo sa Aegis Juris Fraternity walong taon na ang nakalilipas.

Si Divina ay sinampahan ng kasong murder, perjury, obstruction of justice at paglabag sa Anti Hazing Law ng mag-asawang Carmina at Horacio Castillo II sa DOJ pero tiwala naman si Elamparo na maibabasura lamang ng korte ang kaso dahil sa ginagawa umano ng lahat ng kanyang kliyente upang pigilan ng magkaroon ng hazing sa naturang Unibersidad.

Facebook Comments