UST, kokoronahan bilang overall champion ng UAAP Season 82

Kokoronahan bilang overall champion ang University of Santo Tomas (UST) sa kinanselang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season 82 dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos makamit ng UST ang pangkalahatang kampeonato sa limang seniors division na: men’s at women’s beach volleyball; men’s at women’s table tennis; at men’s judo.

Gayunman, wala munang tatanghaling Athletes of the Year dahil marami ang hindi nakapaglaro sa 2019-2020 season.


Makikipag-usap naman si UAAP President Em Fernandez at ang kaniyang hanay sa isang malaking tv network para sa pag-eere ng closing ceremony ng collegiate league sa taong ito.

Facebook Comments