Manila, Philippines – Dadalo mamaya sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ) si UST Law dean Nilo Divina at mga miyembro ng Aegis Juris fraternity.
May kaugnayan pa rin ito sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanila kaugnay ng pagkamatay sa hazing rites ni Horacio Castillo III.
Sa supplemental complaint na isinampa ng pamilya Castillo, kasama sa mga inireklamo si Divina at Aegis Juris members Arthur Capili, Nathan Anarna, Lennert Bryan Galicia at Chuck Siazar, gayundin si Vicente Garcia na may-ari ng gusali kung saan isinagawa ang hazing kay Atio.
Isinama rin sa respondents ang trustees ng Aegis Foundation Inc. na sina William Merginie, Cezar Tirol, Oscar Ce, Alexander Flores, Alvin Dysangco, Emmanuel Velasco, Henry Pablo, Gabrial Robeniol, Michael Joseph Fernandez, Allan Christopher Agati, Paulino Yusi, Arnel Bernardo at Edwin Uy.
Inaasahang magsusumite sila sa pagdinig mamaya ng kanilang kontra-salaysay.
Ang mga respondents ay kabilang sa animnapu’t pitong isinailalim ng DOJ sa panibagong immigration lookout bulletin order.