Manila, Philippines – Sinampahan ni Patricia Bautista ng disbarment case sa Korte Suprema si UST Law dean Nilo Divina.
May kinalaman ito sa sinasabing pangungumisyon daw o pagtanggap ng referral fees ni COMELEC Chairman Andres Bautista mula sa law office ni Divina.
Partikular ang sinasabing pag-refer ni chairman Bautista ng mga election protest cases sa Divina Law Office kapalit ng pagtanggap ng komisyon o referral fee.
Hindi naman kasama sa mga kinasuhan ang COMELEC chairman dahil sa kanyang immunity from suit bilang impeachable official.
Bukod kay Divina, dalawampung iba pang mga kasamahan nito sa Divina Law Office na sinasabing pawang lumabag sa Code of Professional Responsibility.
Hiniling din sa Korte Suprema ni Mrs. Bautista ang pagpapasara sa Divina Law Office.
Una nang inakusahan ni Patricia Bautista ng pagkakaroon ng ill-gotten wealth ang kanyang mister.