Utah Jazz, napanatili ang NBA best record matapos itumba ang Sixers

41

Naitala ng Filipino-American na si Jordan Clarkson ang season-high na 40 points para talunin ng Utah Jazz ang Philadelphia 76ers sa score na 134-123.

Nakagawa rin para sa Jazz ng 36 points si Tobias Harris habang 24 points ang ambag ni Donovan Mitchell.


Sinamantala ng Utah ang kawalan ng big man ng Philadelphia na si Joel Embiid na nagpahinga muna.

Sa ngayon hawak ng Sixers ang 18-10 win-loss record.

Facebook Comments