Naglabas ng public apology si Utah Jazz player Rudy Gobert matapos mahawakan ang mikropono at voice recorders habang nasa presscon.
Ayon kay Gobert, halu-halong emosyon na ang kaniyang pinagdaanan kaya hindi na niya napagtutuunan ng pansin ang kaniyang mga kilos.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga manlalarong kinamayan niya sa locker room ng Utah Jazz.
Si Gobert ang unang NBA player na nagpositibo sa COVID-19 na sinundan ni Utah Jazz guard Donovan Mitchell ilang oras matapos kumpirmahin ang nauna.
Facebook Comments