Utah Jazz, tinalo ang Clippers sa Game 2 ng NBA Western Conference Semifinals

50

Tinalo ng Utah Jazz ang Los Angeles Clippers sa score na 117-111 sa Game 2 ng Western Conference Semifinals ng National Basketball Association (NBA).

Ito ay matapos makapagtala si Donovan Mitchell ng 37 puntos habang sinuportahan ni Jordan Clarkson na mayroong 24 points.


Pinangunahan naman ni Kawhi Leonard ang Clippers na may ambag na 21 points.

Magtatapat ulit ang Jazz at Clippers sa Game 3 ng best-of-7 series sa Linggo.

Facebook Comments