Utah Jazz, tinambakan ang Sacramento Kings

39

Hindi nagpaawat ang Utah Jazz para talunin ang Sacramento Kings sa score na 154-105.

Nanguna sa opensa ng Jazz si Bojan Bogdanovic na nakapagtala ng 24 points para makuha ang kanilang ika-45 panalo.

Ang Fil-Am naman na si Jordan Clarkson ay nag-ambag ng 23 points.


Para sa Kings, ito na ang kanilang ika-12 na talo mula sa huling 15 games.

Nanguna sa koponan si Buddy Hield na nagtapos sa 18 points at seven assists.

Facebook Comments