Utang ng bansa, lalo pang lumobo

Nagpapatuloy ang paglobo ng utang ng Pilipinas.

Batay sa record ng Bureau of Treasury, naitala sa 13.86 trilyong piso ang utang ng bansa hanggang nitong Marso ngayong taon, o pagtaas ng 104.15 bilyong piso o 0.8% mula sa buwan ng Pebrero.

Sa ulat pa ng ahensya, 68.7% o 9.51 trilyong piso ay galing sa utang panloob ng bansa.


Kumpara noong Pebrero, tumaas ito ng 71 bilyong piso o 0.8%.

31.3% naman o 4.35 trilyong piso ay galing sa utang panlabas noong Marso.

Tumaas din ito ng 0.8% o 33.15 bilyong piso kumpara noong Pebrero.

Ayon sa Bureau of Treasury, dahil sa mga dagdag na foreign loans at pagtaas ng halaga ng dolyar laban sa piso ang ilan pa sa dahilan ng paglobo ng utang ng Pilipinas.

Facebook Comments