Utang ng bansa, lumobo pa sa ₱13.64 trilyon ngayong Oktubre – BTr

Tumaas pa ang halaga ng utang ng pamahalaan nitong pagtatapos ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Batay sa impormasyon ng Bureau of Treasury (BTr), naitala ito sa ₱13.64 trilyon na mas mataas ng 0.92% o ₱123.92 bilyon mula sa end-September level na ₱13.517 trilyon.

Ang dahilan ng paglobo ng utang ng bansa ayon sa BTr ay ang pagkuha ng local at external loans.


Sa halagang ito, 68.58% ang inutang sa loob ng bansa habang ang natitirang 31.42% ay inutang sa labas ng bansa.

Sa ulat pa ng BTr ay umakyat ang local debt ng bansa ng ₱1.18 trilyon mula nang nagsimula ang taon dahil sa patuloy na preference para sa domestic financing para mapigilan ang panganib ng foreign currency.

Sa usapin naman ng foreign borrowings, naitala ito sa ₱4.28 trilyon mula sa dating ₱4.22 trilyon lamang sa pagtatapos ng September ngayong taon.

Dahil ito sa pag-avail ng bansa ng foreign financing na nagkakahalaga ng ₱118.71 bilyon.

Facebook Comments