Lumobo pa sa ₱13.75 trilyon ang utang ng Pilipinas hanggang nitong pagtatapos ng Pebrero ng taong 2023 kumpara sa ₱13.7 trilyon noong pagtatapos ng Enero.
Sa ulat ng Bureau of Treasury na mas tumaas ito ng ₱54.26 bilyon dahil sa net issuance ng domestic securities.
Sa halaga ng utang, 31.3% ay galing sa labas ng bansa habang ang 68.7% ay utang panloob o domestic borrowings.
Ayon pa sa Bureau of Treasury, ang domestic debt o utang na nakuha sa loob ng bansa ay nagkakahalaga ng ₱9.44 trilyon , o mas mataas ng ₱57.22 bilyon kumpara sa pagtatapos nitong Enero ng taon .
Resulta ito ng domestic financing na nagkakahalaga ng ₱55.88 bilyon at ng ₱1.34 bilyon epekto ng pagbagsak ng piso laban sa dolyar.
Facebook Comments