Utang ng CARP beneficiaries, hindi dapat singilin ngayong may krisis

Inihain ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Senate Bill Number 268 na nagtatakda ng condonation o hindi pagsingil sa utang at interest ng utang ng mga magsasaka na beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Layunin din ng panukala ni Recto na hindi na pabayaran ang mga penalty at surcharge sa CARP loans.

Kapag naisabatas ang panukala ni Recto ay maituturing nang rightful owner ng lupa ang mga magsasakang benepisaryo ng CARP.


Ayon kay Recto, ito ay malaking tulong sa mga magsasaka ngayong may krisis dulot COVID-19 pandemic at para mapalaki din ang kanilang ani na titiyak sa suplay ng pagkain sa bansa.

Diin pa ni Recto, maliit lang ang pautang sa CARP beneficiaries kumpara sa pautang sa mga bangko, white elephant projects at mga naluging negosyo na pinatawad at sinalo ng gobyerno.

Facebook Comments