Utang ng gobyerno, lumobo pa nitong buwan ng Enero

Umakyat sa P13.7 trillion ang utang ng gobyerno sa pagtatapos ng Enero ng kasalukuyang taon.

Base ito sa report na inilabas ngayong araw ng Bureau of Treasury.

Ipinapakita na mula noong katapusan ng Disyembre ng nakaraang taon ay tumaas ito ng P279.63 billion o 2.1% dahil sa net availment ng parehong utang panloob at panlabas ng bansa.


Ayon sa Bureau of Treasury, ang 31.5 percent ng kabuuang utang ng bansa ay panlabas o sourced externally habang 68.5 percent naman ang domestic barrowings.

Samantala, bumaba naman sa P1.6 trilyon ang budget deficit ng bansa o kakulangan sa pananalapi.

Ayon kay Budget Secretary Amehan Pangandaman, pagpapakita ito ng pagbuti ng performance o trabaho ng revenue collecting agencies.

Binanggit ni Pangandaman na sa ilalim ng medium term fiscal framework ay target ng gobyerno na paliitin pa ang budget deficit sa 3% sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa 2028.

Facebook Comments