Utang ng gobyerno sa nakalipas na labing-isang buwan, umabot na sa P3.5 trillion

Umabot na sa 3.05 trilyong piso ang naging utang ng gobyerno sa nakalipas na labing-isang (11) buwan sa gitna ng nagpapatuloy na epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bureau of the Treasury National Treasurer Rosalia De Leon, mula ito 465.3 bilyong pisong short-dated treasury bills, 631.7 bilyong pisong fixed-rate treasury bonds at 827.1 bilyong pisong retail treasury bonds (RTBs).

Sa ngayon base sa tala ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UNESCAP), nasa pangatlong pwesto na ang Pilipinas sa pinakamalaking tumatanggap ng tulong-pinansiyal mula sa Multilateral Development Banks at International Financial Institutions.


Facebook Comments