Utang ng gobyerno, umabot na sa record-high na ₱12.68-T noong Marso!

Lumobo pa ang utang ng Pilipinas nitong Marso.

 

Sa gitna ito ng patuloy na pangungutang ng bansa para matugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic na sinabayan pa ng mahinang piso kontra dolyar.

 

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), muling naitala ng bansa ang record-high na utang nito noong Marso na umabot na sa ₱12.68 trillion.


 

Ito ay 4.8% o ₱586.29 billion na mas mataas kumpara sa ₱12.09 trillion na naitala noong February 2022.

 

Sa nasabing halaga, ₱8.87 trillion ang domestic debt ng gobyerno habang ₱3.81 trillion ang foreign debt.

Facebook Comments