Utang ng pamahalaan, bumaba sa halos P10 Trillion nitong Disyembre

Bumaba sa ₱10 trillion threshold ang utang ang national government nitong December 2020.

Ito ay matapos bayaran ng Duterte Administration ang utang nito mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng Bureau of Treasury, ang total outstanding debt ng pamahalaan ay nasa ₱9.795 trillion na lamang nitong December 2020, bumaba ng 3.3% kumpara sa ₱10.134 trillion noong Nobyembre.


Bunga ito ng net redemptions sa domestic loans.

Kada taon, lumaki ang utang ng gobyerno sa 26.7% mula sa ₱7.731 trillion dahil sa mataas na funding requirements para matugunan ang COVID-19 pandemic.

Facebook Comments