Aabot pa sa ₱86 billion ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa iba’t ibang ospital sa bansa.
Ito ang inihayag ng Philippine Hospital Association (PHA) kung saan ang mga ito ay mula pa noong Enero 2020 hanggang nito lamang Hunyo.
Ayon sa PHA, ₱25.6 billion sa mga claims ang kasalukuyan pa ring pinoproseso habang ₱46.6 billion ang ibinalik ng PhilHealth sa mga ospital dahil sa kakulangan ng mga dokumento habang ₱13.8 billion naman ang hindi tinanggap.
Paliwanag ni PHA President Jaime Almora, magagamit sana ang pondo para sa pagbili ng mga kagamitan sa ospital at mabigyan ng karagdagang benepisyo ang ating mga healthcare workers.
Kung magpapatuloy pa aniya ito ay posibleng mauwi na sa pagkalugi ng mga ospital at pagbagsak ng healthcare system sa bansa.