Hindi muna babayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang utang nito sa mga ospital hangga’t hindi pa tapos ang imbestigasyon hinggil sa dumaraming pekeng claims.
Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon ng PhilHealth na mayroong mahigit 15,000 fake claims mula sa iba’t ibang health facilities simula noong 2019 hanggang ngayong taon.
Ayon kay PhilHealth Spokesperon Shirley Domingo, oras na mapatunayang guilty ay mapaparusahan ang mga ospital, suspensyon o ‘di kaya’y pag-alis ng PhilHealth accreditation sa kanilang health facilities.
Kabilang sa mga nabuking ng PhilHealth na uri ng pekeng claims ay ang mga sumusunod:
― Misrepresentation/false information
― Ghost patients
― False rating of claims
― Fabricated forms & supporting documents
― Adding of claims & spending period of confinement
Habang ang mga non-fraudulent claims ay ang mga sumusunod:
― Breach of warranties of accreditation
― Multiple claims
― Unauthorized operation beyond service capability
― Unjustified admission beyond bed capacity