Target ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mabayaran ang bilyon-bilyong pisong halaga ng reimbursement claims ng mga partner hospital bago sumapit ang Disyembre.
Ayon kay PhilHealth Corporate Communications Senior Manager Rey Baleña, ginagawa nila ang lahat ng makakaya upang mabayaran ang unpaid claims.
Inaasahang hindi naman ito magtatagal dahil nag-mobilize na sila ng mga dapat asikasuhin ang pinabibilisan na rin nila ang mga proseso sa pamamagitan ng dagdag na tauhan.
Mula Enero, 2020 hanggang ika-28 ng Oktubre ngayong taon, nasa P152.8 billion na ang nabayaran ng PhilHealth sa kanilang mga partner ospitals.
Sa ngayon, umaasa ang tanggapan na pag-iisipan muli ng mga pribadong ospital ang kanilang balak na pagkalas.
Facebook Comments