Utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital, umabot na sa P20 billion

Umabot na sa P20 billion ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga pribadong ospital sa bansa.

Ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi), kabilang ito sa unang pahayag ng PhilHealth na nakapaglabas ng P10 billion para pambayad sa mga ospital.

Paliwanag naman ni PHAPi president Jose Rene de Grano, maraming mga pagamutan na ang nagrereklamo dahil wala pang natatanggap na bayad mula sa state insurer.


Sa ngayon, may mga ospital nang nagbawas ng tauhan para makapagpatuloy ng operasyon sa gitna ng pagkaantala ng bayarin ng PhilHealth.

Habang ilang pagamutan na rin ang pinag-iisipan nang kumalas sa accreditation ng PhilHealth.

Facebook Comments