Utang ng Philhealth sa mga private hospital, unti-unti nang nababayaran

Pautay-utay nang nababayaran ng Philippine Health Insurance Corp., (PhilHealth) ang utang nito sa mga pribadong ospital.

Kinumpirma mismo ito ni Private Hospital Association of the Philippines President Dr. Jose Rene de Grano sa panayam ng DZXL 558 RMN Manila.

Sa pagtaya ni De Grano, nasa kalahati na ng ₱25-bilyong unpaid COVID-19 claims ang nabayaran na ng state health insurer sa mga ospital.


Aniya, malaking tulong ito para sa mga pribadong ospital na maipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Noong nakaraang taon, matatandaang nagbabala ang mga pribadong ospital na kakalas sa PhilHealth dahil sa kawalan ng konkretong plano sa pagbabayad ng COVID-19 claims.

Facebook Comments