Sumampa na sa ₱822 million ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).
Ayon kay PRC Chairperson Senator Richard Gordon, lumobo na ang utang ng state-health insurer lalo na at pautay-utay sila nagbabayad.
Dismayado si Gordon dahil nangako pa dati ang PhilHealth na magbabayad ng 200 million pesos kada linggo, pero napako lamang ito.
Iginiit ni Gordon na kailangan ng PRC ng pondo para maswelduhan ang kanilang medical technologists, makabili ng supplies at makapagtayo ng mga pasilidad.
Kung hindi babayaran ng PhilHealth ang kanilang utang, mapipilitan ang PRC na ihinto ang kanilang COVID-19 testing.
Noong October 2020, ipinahinto ng PRC ang kanilang COVID-19 test matapos mabigo ang PhilHealth na bayaran ang utang nito na nagkakahalaga ng halos isang bilyong piso.