Utang ng PhilHealth sa PH Red Cross, umabot na sa P876 million

Nahihirapan na ang Philippine Red Cross na ipagpatuloy ang operasyon nito lalo na at hindi pa nababayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang lumolobong utang nito.

Ayon kay PRC Chairperson Senator Richard Gordon, ang kabiguan ng PhilHealth na magbayad ng obligasyon nito ay “nakakasakit” na sa kanilang operasyon.

Aniya, balak ng Red Cross na magtayo ng isolation centers sa mga paaralan kung saan doon iku-quarantine ang mga asymptomatic.


Binigyang diin ni Gordon na dapat mai-isolate ang mga asymptomatic para mapigilan ang pagkalat ng virus lalo na sa bawat bahay.

May tulong naman na ibibigay kung ang ilalagay sa quarantine ay ang breadwinner ng pamilya.

Mula nitong April 5, ang total balance ng PhilHealth sa PRC ay nasa ₱876 million.

Umaasa ang Red Cross na makapagbabayad agad ang PhilHealth para tuluy-tuloy ang pagtulong.

Facebook Comments