Utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross, posibleng umabot muli sa bilyong piso

Madaragdagan pa ng panibagong 35 million pesos ang utang ng PhilHealth kahit nagbayad na ito ng kalahating milyong piso sa Philippine Red Cross para sa COVID-19 swab test ng mga umuuwing OFWs.

Sa interview ng RMN Manila kay PRC Chairman at Sen. Richard Gordon, sinabi nito na sa pagbabalik ng kanilang serbisyo, aabot sa 10,000 na sponsored OFWs ang kanilang ite-test na katumbas ng 35 million pesos.

Ayon kay Gordon, daragdag ito sa balanse ng PhilHealth na 561 million pesos at posibleng umakyat muli sa bilyong piso ang kanilang utang kung hindi babayaran ng state insurer.


Kasabay nito, binanatan ni Gordon si Presidential Spokesperson Harry Roque at sinabihang huwag nang maki-alam sa usapin sa PhilHealth.

Ipinapanukala kasi ni Roque sa PRC na tanggapin ang donasyong test kits ng Dept. of Health, pero giit ni Gordon, hindi pwede dahil ito ay overpriced.

Gabi ng Martes, Oktubre 27, nagbayad ng P500 milyon ang PhilHealth sa PRC at nangakong babayaran ng pautay-utay ang balanse.

Facebook Comments