Utang ng PhilHealth sa PRC, P550 million na

Umabot na sa P550 million ang utang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).

Ayon kay PRC chairman at Senator Richard Gordon, una nang naibaba ng health insurer ang kanilang utang sa P400 million pero bumalik ito sa P550 million.

Sinabi rin ng mga pribadong ospital sa bansa na may utang rin sa kanila ang embattled state-insurer na P20 billion na COVID-19 claims


Sa ngayon, iminungkahi ni Gordon na dapat maisaayos na ang computer system ng Philhealth.

Matatandaang noong nakaraang taon, pansamantalang itinigil ng PRC ang kanilang testing operations matapos na bigong magbayad ang PhilHealth ng kanilang utang.

Facebook Comments