Utang ng Pilipinas, lalo pang lumobo at sumampa na sa P13.02 trillion nitong Agosto

Pumalo na ngayon sa P13-trillion ang outstanding debt o utang ng Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Treasury, lumobo pa sa P13.02 trillion ang utang ng National Government nitong pagtatapos ng Agosto 2022.

Ito na ang record high na naitala ng Bureau of Treasury kung saan mas mataas ito kumpara sa naitala noong July na nasa P12.89 trillion.


Nabatid na tumaas sa 1.29 trilyong piso o 11 percent ang current level ng utang ng bansa mula noong December 2021.

Sa nasabing halaga, 8.94 trilyong piso ay mula sa domestic borrowing habang nasa 4.08 trillion pesos sa utang panlabas ng bansa.

Nabatid na sa loob lamang ng isang buwan ay nasa 133.64 billion pesos na agad ang nadagdag sa utang ng Pilipinas.

Facebook Comments