Lumobo pa ang utang ng bansa nito Hulyo.
Sa datos mula sa Bureau of the Treasury, tumaas sa 14.24 trillion pesos ang utang ng bansa na 0.7% na mas mataas kumpara sa 14.15 trillion pesos noong Hunyo.
Ito ay dahil sa net issuance ng domestic securities.
Samantala, sa nasabing halaga, 9.81 trillion pesos ay domestic borrowings habang 4.43 trillion pesos ay utang sa labas ng bansa.
Matatandaang sinabi noong nakaraang buwan ni National Treasurer Rosalia de Leon na inaasahang sisirit hanggang 15.8 trillion pesos ang utang ng bansa sa susunod na taon.
Facebook Comments