Utang ng Pilipinas mula Enero hanggang Abril ngayong taon, higit P900-Billion na

Umabot na sa 919.5 billion pesos ang pondong nahiram ng National Government mula Enero hanggang Abril para gamitin kontra COVID-19.

Mas mataas ito nang 39 percent sa 661.52 billion pesos na naitala sa loob ng apat na buwan nakaraang taon.

Pitong beses ding tumaas ang nahiram na pondo ngayong Abril 2020 kumpara sa kaparehong buwan nakaraang taon.


Ang utang na 919.5 billion pesos ng Pilipinas ay nagmula sa: Asian Development Bank (ADB), World Bank sa ilalim ng Third Disaster Risk Management Development Policy Loan at sa World Bank na gagamitin sa Philippines Social Welfare and Reform Project.

Facebook Comments