Nababahala ngayon ang Ibon Foundation sa lumulobong utang ng Pilipinas na posibleng mauwi sa debt crisis.
Sa interview ng RMN Manila kay Ibon Foundation Executive Director at Economist Sonny Africa, sinabi nito na simula taong 2016 ay nasa 6.1 trilyong piso na ang utang na panlabas ng bansa kung saan lumobo pa ito sa 10.2 trillion pesos ngayong 2020.
Ayon kay Africa, dahil sa COVID-19 response ng Duterte Administration, tinatayang nasa 13.7 trillion pesos na ang utang ng bansa kapag bumaba na sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Ibig sabihin nito, ay nasa 92,000 pesos ang utang ng bawat isang Pilipino o 405,000 sa kada pamilyang Pilipino.
Nangangamba si Africa na ang mahihirap at mga nasa middle class lang ang magbalikat ng utang ng Pilipinas dahil na rin sa umiiral na Train Law at iba pang batas hinggil sa pagbubuwis.