Nananataling manageable pa rin ang utang ng Pilipinas kahit na pumalo na ito sa ₱16.02 trillion hanggang nitong October 2024.
Ayon sa Department of Finance (DOF), naitala sa 77:23 ang financing mix ng bansa hanggang sa pagtatapos ng November, na pabor sa domestic borrowings.
Dahil din sa maayos na debt management strategy ay naibsan ang foreign exchange risks, napakinabangan ang saganang liquidity sa Philippine financial system, at sinuportahan ang development ng local debt at capital markets.
Kaugnay naman nito ay naging kontrolado ang utang ng bansa na katumbas ng 61.3% ng gross domestic product hanggang sa 3rd quarter ng 2024.
Facebook Comments