Tuluyan nang lumobo sa higit ₱9-trilyon ang halaga ng utang ng Pilipinas para sa Coronavirus disease 2019 response ng bansa.
Batay sa Bureau of Treasury, umaabot na ngayon sa ₱9.5-trilyon ang outstanding debt ng Pilipinas sa unang anim na buwan ng taon.
Sa bilang na ito, ₱6.2-trilyon ang mula sa domestic investors, habang ₱300-bilyon naman ay mula sa short term credit sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Nasa ₱2.9-trilyon naman ng mula sa mga foreign lenders.
Paliwanag ng Bureau of Treasury, bilang isang developing country ang Pilipinas, mas malaki ang nagagastos ng bansa kaysa sa nakokolekta nitong pondo na gagamitin naman para sa mga high impact projects na COVID-19 response.
Samantala, pinalilimitahan naman ng Malacañang sa kongreso sa 140-billion pesos lang ang uutangin ng gobyerno para sa pagtugon sa pandemya.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, sinabihan sila ng palasyo na kapag lumagpas nang kahit piso ang pondo para sa “Bayanihan 2” ay ibi-veto o ibabasura ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.