Utang ng Pilipinas, posibleng lumobo pa sa ₱17 trillion sa pagtatapos ng 2025

Posibleng lumobo pa sa ₱17 Trillion ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2025.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Principal Economist Usec. Joselito Basilio, tinatayang nasa ₱15 trillion ang magiging utang ng bansa sa pagtatapos ng 2024 pero maaari itong tumaas o bumaba.

Dagdag pa ni Basilio, manggagaling sa utang ang ₱1.537 trillion sa 2025 national budget habang ang ₱4.6 trillion ay manggagaling sa kita o koleksyon sa mga buwis.


Gayunpaman, nakikita aniya nilang magiging maganda ang revenue collection, tataas ang gross domestic product o GDP, base at sales, at tax collection, kung kaya’t bababa ang debt to GDP ratio ng Pilipinas sa 2026.

Ibig sabihin daw nito ay mapabibilis ang pagbabayad ng utang ng bansa kabilang ang principal at interest.

Mas magiging matatag din at mas mababa mula sa level noong isang taon o simula ng taong ito ang inflation para sa medium-term fiscal program ng bansa.

Facebook Comments