Utang ng Pilipinas, pumalo na sa halos P12 trillion

Pumalo na sa P11.92 trillion ang pagkakautang ng Pilipinas na pinakamalaki sa kasaysayan ng ating bansa.

Ito ay mas mataas ng 27.2 percent kumpara sa data noong nakaraang taon.

Batay sa National Treasury, nadagdagan ng P2.55 trillion ang loan ng bansa kung saan ang P1.69 trillion ay para sa domestic obligations at P428.98 billion sa foreign debt.


Sa kabuuan, ang domestic debt ng Pilipinas ay umaabot sa P8.39 trillion habang ang foreign debt ay nasa P3.53 trillion.

Paliwanag ng economic managers, lumaki ang pagkakautang ng bansa dahil sa kinakaharap na COVID-19 pandemic, na hindi pa nangyari sa ilalim ng mga nagdaang pangulo.

Sa pagtaya naman ni Finance Sec. Carlos Dominguez III, inaasahang madadagdagan pa ang utang ang Pilipinas ng P3 trillion bago matapos ang taon at P2.25 trillion sa 2022.

Nabatid na kabilang sa pinaglaanan ng malaking pondo ang pambili ng mga bakuna, pambayad sa mga pasilidad, pasahod sa dagdag na mga health workers, contract tracers, tulong sa mga manggagawa at subsidiya sa mahihirap.

Facebook Comments