Utang ng Pilipinas sa China hindi dapat ikumpara sa utang ng ibang bansa sa China

Inihayag ng Department of Finance na hindi dapat iugnay ang utang ng Pilipinas sa China sa utang ng ibang bansa sa China tulad ng Sri Lanka.

 

Nagbabala kasi ang ilang kritiko ng Adminsitrasyon na dapat ay magingat ang Pamahalaan sa pagutang sa China dahil sa posibilidad na Dept Trap nito tulad ng nangyari sa iba pang bansa kung saan kontrolado na ng China ang ilang imprastraktura sa kanilang bansa dahil hindi makabayad sa utang

 

Ayon kay Finance Undersecretary Mark Dennis Joven, ang utang ng Sri Lanka sa China ay aabot sa 8 Bilyong dolyar at ang isang proyekto na tinakeover ng China ay nagkakahalaga ng 1 Bilyong pisong utang.


 

Paliwanag pa ni Joven, ang total dept to GDP Rate ng Sri Lanka ay nasa 80% kung ikukumpara Pilipinas na nasa 40% dept to GDP Rate at isa sa pinaka kakaunting utang sa mga bansa sa buong mundo.

 

Kaya naman dahil dito ay mas mababa talaga ang posibilidad na hindi mabayaran ng Pilipinas ang utang nito sa ibang bansa tulad ng China.

 

Tiniyak din ni Joven na alam ng Pilipinas ang mga nangyayari sa ibang bansa at hinding hindi sasadlak ng Pamahalaan sa mga utang na hindi mababayaran.

 

Mali din aniya ang sinasabi ng mga kritiko na aabot sa mahigit 12 hanggang 24 bilyong dolyar ang utang ng Pilipinas sa China dahil sa ngayon ay nasa 260 hanggng 270 million dollars.

Facebook Comments