Utang ng Pilipinas sa COVID-19 response, umabot na sa 641 bilyong piso

Pumalo na sa 641 bilyong piso ang utang ng Pilipinas para sa COVID-19 response.

Batay sa datos ng Department of Finance (DOF) nitong December 15, halos doble ito ng 371 bilyong piso na utang ng bansa noong Hulyo ng nakaraang taon.

Sisimulan namang bayaran ang utang sa taong 2023 at magtatagal hanggang 2049 na nakabatay sa Average Payment Period na 15 taon bawat loan agreement.


Sa ngayon, nakatakdang umutang ang pamahalaan ng 62.5 bilyong piso para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments