Patuloy ang paglobo ng utang ng Pilipinas.
Ito ay matapos maitala ang P14.35 trillion na outstanding debt ng Pilipinas nitong Agosto.
Ayon sa Bureau of Treasury (BTr), tumaas ng P105.28-billion o 0.7 percent mula noong Hulyo bunsod ng paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
Sa nasabing halaga, P9.79 trillion ang domestic debt habang nasa P4.56 trillion ang foreign debt.
Facebook Comments