Utility Clearing Operations para sa PNR Clark Phase 1 Project, halos tapos na

Umabot na sa 98% nang natatapos ng Philippine National Railways (PNR) ang Utility Clearing Operations para sa konstruksyon ng PNR Clark Phase 1 na bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project.

Hinati sa dalawang package ang phase 1 ng proyekto kung saan inumpisahan na ang paghuhukay sa mga istasyon na itinatayo sa Balagtas, Guiguinto, at Malolos sa Bulacan.

Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, mas madali ang pagtatayo ng poste sa mga nabanggit na lugar dahil sa luwag ng daloy ng trapiko kumpara sa mga pagtatayuang istasyon sa Tutuban, Solis, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao at Bocaue.


Hindi rin hinahayaang masira ang mga luma at makasaysayang PNR Stations upang gawing Museo at pasyalan.

Mas pinabilis na rin ang pakikipagtransaksyon sa mga gagamiting bagon sa bansang Japan na nakatakdang dumating sa Oktubre taong 2021.

Sa oras na matapos ang proyekto ay inaasahang makakatulong ito sa pagluwag ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Tiniyak ng pamahalaan na hindi lamang mga commuter ang makikinabang dahil naglikha rin ng trabaho ang Build Build Build para sa libu-libong manggagawa.

Facebook Comments