UTILITY VAN, SUMALPOK SA POSTE MATAPOS UMANONG MAKATULOG ANG DRIVER

Sumalpok sa poste ng kuryente ang isang utility van sa Brgy. Banaoang, Sta. Barbara, Pangasinan dakong alas dos ng madaling araw nitong Lunes matapos umanong makatulog ang driver habang nagmamaneho patungong Calasiao.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol ang sasakyan at bumangga sa poste, dahilan upang madamay ang isang nakaparadang traysikel at ang pinto ng kalapit na tindahan.

Sugatan ang driver at apat nitong sakay na agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang utility van para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments