UTILIZATION RATE NG COVID-19 DEDICATED BEDS SA PANGASINAN, PATULOY NA NAKIKITAAN NG PAGBABA; BED OCCUPANCY, UMAABOT NA LAMANG SA 35% AYON SA P.H.O.

Nagpapatuloy ang naitatalang pagbaba ng bed occupancy sa mga COVID-19 Facilities sa buong lalawigan, ayon yan sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office.

Sinabi ni Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Office Chief na sa ngayon ay bumaba na sa 35% ang bed occupancy rate ng mga pasilidad sa Pangasinan na nangangalaga naman sa mga pasyente na tinamaan ng virus.

Saad pa nito na marahil ang pagbaba ng bed occupancy sa mga pasilidad ay dahil sa pinalawak na ang ginagawang pagbabakuna at pagsasaayos ng mga Local Government Units ng mga hakbang upang sa gayon ay maibsan ang utilization rate ng ICUs at ng COVID-19 beds sa labing apat na government run hospital.


Samantala, patuloy ang pakiusap ng opisyal na publiko na pairalin ang disiplina sa gitna ng pandemya at magpabakuna kontra COVID-19 upang mabilis na maabot ang herd immunity ng lalawigan.###

Facebook Comments