Dahil sa layuning mas marami ang mabakunahan at mabigyan ng proteksyon kontra COVID-19, tuloy tuloy ang isinasagawang pagbabakuna ng mga awtoridad sa rehiyon uno.
Sa datos ng Department of Health Center for Health Development Region nasa mahigit 15, 000 doses pa ng bakunang Bivalent COVID-19 ang hawak pa ng DOH-CHD1 na kailangang maibigay sa mga kabilang sa A1 at A2 groups o ang mga kabilang sa Health Care Workers at Senior Citizens .
Base sa datos ng DOH-CHD1, may kabuuang 23,460 doses ang mayroon ng tanggapan ngunit nasa 7,688 ang naibigay pa lamang sa mga kabilang sa A1 at A2 priority groups sa rehiyon.
Kabuuang 15,645 doses ng COVID-19 Bivalent Vaccine ang nasa cold storage na nakapagtala ng utilization rate na 33.31%.
Nanguna ang Ilocos Norte sa utilization rate matapos itong makapagtala ng 59.06% habang pumangalawa naman ang Ilocos Sur na mayroong 41.01%.
Sinundan ito ng lungsod ng Dagupan na mayroong 35.63%, lalawigan ng La Union na may 30.12% at lalawigan ng Pangasinan na mayroon lamang 19.47%.
Dahil dito, muling hinikayat ng ahensya ang publiko sa pangunguna ni DOH Region I Director Dr. Paula Paz Sydiongco na kumuha na ng bakuna ang mga kabilang sa A1 at A2 priority groups upang mas marami ang maprotektahan.
Pumunta lamang sa mga pinakamalapit na health centers na malapit sa kanilang lugar dahil limitado ang ang bilang ng bakuna. |ifmnews
Facebook Comments