Utilization rate ng mga ospital sa Metro Manila, nananatiling mataas ayon sa DOH

Isa sa tinitignan ng Department of Health para ibaba ang quarantine status sa Metro Manila ay ang occupancy ng mga hospital beds at equipment sa National Capital Region.

Sa interview ng RMN Manila kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, binigyan-diin nito na kailangan munang bumaba sa 60% ang health care utilization rate bago masabing ligtas nang ibaba ang quarantine status.

Sa ngayon aniya ay nasa 80% pa lang ang utilization rate sa mga ospital sa Metro Manila kung saan nananatiling 100% na okupado ang Intensive Care Unit (ICU) beds sa lahat ng lungsod.


Bukod pa rito, patuloy pa rin aniya na tumataas ang kaso ng virus dahil sa COVID-19 variants.

Bukod sa Metro Manila, may nakikita na rin pagtaas ang DOH sa hospital occupancy sa Region 3 at 4.

Facebook Comments