Utilization rate sa pondo ng DPWH sa mga flood control projects ngayong taon, kasama rin sa sisiyasatin ng Senado

Sisilipin ni Senator Grace Poe kung paano ginamit ng DPWH ang pondo para sa mga flood control projects.

Kaugnay ito sa pananalasa ng Super Typhoon Carina at habagat kung saan maraming lugar sa Metro Manila at mga karatig probinsya ang nalubog sa baha sa kabila ng napakaraming flood control projects ng pamahalaan.

This slideshow requires JavaScript.


Ayon kay Poe, noong 2023 aabot lang sa 58%t ang utilization rate ng mga flood control projects, ibig sabihin, may mahigit 40% pa na mga proyekto ang hindi napapakinabangan dahil hindi pa naipapatupad.

Hindi hamak aniya na mas mataas pa ang utilization rate para sa flood control projects noong 2022 na aabot sa 73%.

Sinabi ni Poe na bukod sa pagbusisi sa paggugol ng pondo ng taumbayan ay dapat na matiyak na nagastos din ito ng tama.

Naniniwala rin ang senadora na posibleng may katiwalian o ‘di kaya’y inefficiency o non-utilization sa paggamit ng pondo.

Facebook Comments